Hazrat Mirza Masroor Ahmad - Khalifatul Masih V(aba)
AHMADIYYAT
Buod ng Sermon Biyernes ika-24 ng Marso 2023:
'Mga Palatandaan para sa Katotohanan ng Hadhrat Masih Mau’ud (as)'
ika-24 ng Marso 2023
Pagkatapos bigkasin ang Tashahhud , Ta'awwuz at Surah Al-Fatihah , ang Huzoor, Hazrat Mirza Masroor Ahmad (aba) ay bumigkas ng sumusunod na ayat ng Banal na Qur'an:
huwallażī ba'aṡa fil-ummiyyīna rasụlam min-hum yatlụ 'alaihim āyātihī wa yuzakkīhim wa yu'allimuhumul-kitāba wal-ḥikmata wa ing kānụ ming qablu lafī ḍalālim mubīn
wa ākharīna min-hum lammā yal-ḥaqụ bihim, wa huwal-'azīzul-ḥakīm
‘Siya ang pumili sa mga taong mangmang ng isang Sugo mula sa kanilang lipon upang sambitin sa kanila ang Kanyang mga Talata, upang sila ay maging dalisay, at magturo sa kanila ng Aklat at Karunungan bagamat sila nuon ay nasa lantad na kamalian; At sa iba pa sa kanila na hindi pa umaanib sa kanila. Siya ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan' ( Ang Banal na Qur'an 62:3-4 )
Pagtatatag ng Ahmadiyya Muslim Jama’at
Sinabi ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) na ang ika-23 ng Marso ay kinikilala ng Ahmadiyya Muslim Community bilang Araw ng Hadhrat Masih Mau’ud (as). Mapalad tayong tinanggap ang Al-Masih Mau’ud at Mahdi na ang pagdating ay naaayon sa pangako ng Diyos. Noong ika-23 ng Marso 1889 , tinanggap ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) ang bai’at o panunumpa ng katapatan sa Ludhiana sa unang pagkakataon at sa gayon ay pinasimulan ang Ahmadiyya Muslim Community.
Sinabi ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) na mayroong iba't ibang pagkakataon kung saan ang pagdating ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) ay nahulaan, tulad ng mga ayat ng Surah Al-Jumu’ah na binigkas sa simula, na hinuhulaan ang pagdating ng tunay na lingkod ng Banal na Propeta Muhammad Mustafa (saw). Sinabi ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) na ilalahad niya ang pagpapaliwanag ng mga talata sa itaas kasama ang iba't ibang palatandaan para sa pagdating ng Al-Masih sa mga salita at mga sulat ng Hadhrat Masih Mau’ud (as).
Mga Palatandaan ng Katotohanan ng Hadhrat Masih Mau’ud (as)
Binigkas ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ang mga salita ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na nagsabi na ang mga talatang ito ay nagpapaliwanag na ang Banal na Propeta Rasulullah (saw) ay isinugo ng Diyos sa panahong ang mga tao ay ganap na naligaw ng landas. Kaya, sa pamamagitan ng pagpapadala sa Banal na Propeta (saw), ang mga taong iyon ay nabago mula sa pinakamababang estado tungo sa pinakamataas na yugto ng pagkilala sa Diyos. Sa katulad na paraan, ipinahihiwatig ng mga talatang ito na ang isang katulad na panahon ng kadiliman ay makikita sa mga huling araw, kung kailan ang mga tao ay mawawalan ng kaalaman at pang-unawa. Kapag dumating ang oras na iyon, ang mga tao sa panahong iyon ay ipapakita ang ipinakita sa mga Kasama noong panahon ng Banal na Propeta (saw); sa madaling salita ang paraan ng kanilang pagbabago sa pamamagitan ng isang ipinadala ng Diyos. Habang ipinapaliwanag ang mismong mga talatang ito, ipinatong ng Banal na Propeta (saw) ang kanyang kamay sa balikat ni Salman na Persian (ra) at sinabing kapag ang pananampalataya ay umabot sa Pleiades, ito ay ibabalik ng isang lalaking may lahing Persian. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Hazrat Mirza Ghulam Ahmad (as), na tunay na may lahing Persian.
Binanggit pa ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ang talatang binigkas ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na sinasabi 'At bukod sa iba pa na hindi pa umaanib sa kanila.' ay tiyak na tumutukoy sa Jama’at ng Hadhrat Masih Mau’ud (as). Kung paanong ang mga Kasama ng Banal na Propeta (saw) ay nakakita ng mga tanda at mga himala at ang katuparan ng mga propesiya, gayon din ang mga tao sa mga huling araw upang masaksihan ang mga katulad na bagay. Ito ay eksakto kung ano ang nangyari 1,300 taon pagkatapos ng Banal na Propeta (saw), ang pintong iyon ay muling binuksan at mga palatandaan tulad ng lunar at solar eclipse sa parehong buwan ng Ramadan alinsunod sa kanilang propesiya ay naganap. Isang katiyakan ng himala ng Banal na Propeta (saw) na kanyang inihula na darating bilang isang paraan ng pagpapatunay ng katotohanan ng kanyang Mahdi. Sa katunayan, ang mga palatandaang ito ay nangyari nang mayroong isang umaangkin ng pagiging Mahdi. Mayroong napakaraming mga palatandaan alinsunod sa mga propesiya ng Banal na Propeta (saw), tulad ng Dhus Sineen (ang Dakilang Kometa), mga salot at marami pang iba.
Ang Jamaat ng mga Mananampalataya na kahalintulad ng mga Sahabat ng Banal na Propeta (saw)
Binanggit pa ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) na nagsabi na walang ibang pamayanan na may ganitong pagkakahawig sa mga Kasama ng Banal na Propeta (saw). Ang mga tanda na nasaksihan ng mga Kasama ay nasasaksihan ngayon; ang mga paghihirap na kinaharap ng mga Kasama ay kinakaharap ngayon; ang mga hayag na palatandaan ng Diyos na nakita ng mga Kasama na nagpapatibay sa kanilang pananampalataya ay makikita ngayon; tulad ng pag-iyak ng mga Kasama sa panalangin at nakakita ng mga palatandaan at pangitain na nakikita rin ngayon; kung paanong ang mga Kasama ay nag-alay ng kanilang kayamanan para lamang kay Allah, gayon din ang mga tao ngayon; kung paanong ang mga Kasama ay hindi natakot sa kamatayan para sa kapakanan ng Allah, may malambot na puso, at tumahak sa landas ng katuwiran, gayon din ang mga tao ngayon na kabilang sa Jamaat na ito. Kaya naman, Ang Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ay nagpatuloy sa pagbigkas ng mga tinuran ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na nagsabi na ang Mesiyas(as) sa mga huling araw ay magkakaroon ng dalawang pagkakahalintulad; pagkahalintulad kay Hesus (as) dahil dito siya ay tatawaging Mesiyas, at pagkakahalintulad sa Banal na Propeta (sa) kung saan siya ay tatawaging Mahdi. Ang pagdating ni Hesus (as) ay dumating sa panahon na ang Torah at ang mga turo nito ay nasa ilalim ng matinding pag-atake at tinutuya ng mga tao ang pagkapropeta ni Moses (as). Kaya, sa pamamagitan ng pagpapadala kay Hesus (as) 1400 taon pagkatapos ni Moises (as), nilayon ng Diyos na muling palakasin ang dispensasyon ng Shariat Musa(as.) at magbigay ng mga bagong palatandaan para sa kanyang pagiging totoo. Ang pagdating ng Ipinangakong Al-Masih Mau’ud (as) ay sa kaparehong paraan, para sa kaparehong mga dahilan; upang ipagtanggol ang Islam laban sa napakaraming pag-atake na ibinabato laban dito, ang Banal na Propeta Rasulullah (saw) at ang Banal na Qur'an na may mga bagong palatandaan at patunay.
Ang Lubhang Pangangailangan para sa Banal na Patnubay
Binanggit pa ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ang tinuran ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na nagsabi, ang ilan ay nagsabi na si Hesus (as) ay dumating upang buhayin ang mensahe ni Moses (as) bilang isang propeta. Ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) ay nagsabi na ang pintuan para sa isa pang propetang nagdadala ng batas na darating pagkatapos ng Banal na Propeta (sa) ay sarado, na pinatunayan sa pamamagitan ng Banal na Qur'an at mga kasabihan ng Banal na Propeta (sa). Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang pinto sa pakikipag-usap at koneksyon sa Diyos ay sarado na. Kaya naman, sa pagpapatunay na si Hesus (as) ay namatay, ito ay tiyak na ang isang mesiyas ay dapat magpakita sa mundo, at alinsunod sa mga propesiya ng Banal na Propeta (saw) at sa liwanag ng kalagayan ng mga Muslim ay tiyak na isang tao ang dapat ipadala ng Diyos upang muling buhayin ang mensahe ng Islam. Kaya naman, dapat man lang tanggapin na kahit isang kaibigan ng Diyos ay maaaring ipadala ng Diyos para sa gawaing ito. At ang Hadith na maging ang mga Muhaddathin ay kasama sa mga isinugo ng Diyos, tulad ng mga propeta. Kahit na higit pa dito, napatunayan sa pamamagitan ng Hadith na ang Mesiyas ay magiging isang propeta. Maging ang salitang 'Mensahero' na ginamit sa Ayat 3 ng Surah 62 ay tumutukoy din sa Hadhrat Masih Mau’ud (as). Isang katiyakan at karagdagang patunay ng Pagiging kataas-taasan at pagiging totoo ng Banal na Propeta (saw).
Nagpadala ang Diyos ng Tagapagpabago sa Pagdating ng Isang Siglo
Ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) na nagsabi na nang makita ng Diyos ang kasalukuyang kalagayan ng mundo, ipinadala ng Diyos ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) upang maipalaganap ang katotohanan. Sa gayon ay hayagang inihayag ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na siya na nga ang pinadala sa pagpasok ng siglo upang maakit ang mundo tungo sa pagbabago. Nilinaw sa kanya sa pamamagitan ng banal na kapahayagan na ang Al-Masih Mau’ud na ipinangakong darating at ang Mahdi na muling bubuhayin ang pananampalataya na may mga bagong tanda na inihula 1,300 bago ng Banal na Propeta (saw) ay walang iba kundi siya, si Hazrat Mirza Ghulam Ahmad (as).
Binanggit pa ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) na tinuran ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na nagsabi na kapag ang mundo ay lumalayo sa Diyos at higit na bumaling sa kawalan ng paniniwala, ang karangalan ng Diyos ay nagdidikta na ang Kanyang Kadakilaan ay dapat na muling mahayag sa mundo, at ito ay para sa kadahilanang ito at upang magpakita ng mga hayag na palatandaan na ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) ay ipinadala sa mundo sa panahong ito.
Bakit Kailangang Tanggapin ang Pag-Da'wa ng Hadhrat Masih Mau’ud (as).
Pagkatapos ay binanggit ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ang tinuran ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na sumagot sa mga nagtatanong kung paano nila malalaman na siya nga ang Ipinangakong Al-Masih (as). Ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) ay nagsabi na ang lahat ng mga kinakailangang palatandaan at kundisyon na kaakibat ng pagdating ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) ay natupad na sa kanya, sa kanyang panahon at sa kanyang bansa. Kaya naman, ang mga palatandaan tulad ng mga eklipse , salot, lindol at hindi mabilang na iba pa ay pawang mga palatandaan na malinaw na nagsasaad na hindi lamang ito ang panahon para sa pagdating ng Mesiyas sa mga huling araw , ngunit siya nga ang mismong Ipinangakong Al-Masih .
Ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) ay nagsabi na mayroong iba't ibang palatandaang intelektuwal na kasama rin sa kanyang pagdating. Halimbawa, ang isang Hindu ay naghangad na magsagawa ng isang kumperensya ng mga relihiyon sa daigdig at lumapit sa Hadhrat Masih Mau’ud (as) upang magsulat ng isang diskurso tungkol sa Islam. Sumagot siya na wala siyang masasabi kung hindi ginagabayan ng Diyos. Kaya naman, ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) ay nanalangin para sa kakayahang magsulat ng isang diskurso na hihigit sa lahat. Pagkatapos ay nakita niya na ang makalangit na kakayahang isulat ang diskursong ito ay naipagkaloob sa kanya, pagkatapos ay sumulat siya nang napakabilis na ang mga magtratrascript ay hindi na makasabay. Nang matapos na niyang magsulat, ipinahayag sa kanya ng Diyos na mananaig ang diskursong ito. Kaya naman, sa sandaling naihatid ang diskursong ito, ang taong namumuno sa sesyon ay nagpahayag sa harap ng lahat na walang alinlangan na ang diskursong ito ang pinakamaganda sa kumperensya. Ang di-mabilang na mga publikasyon ay hayagang nagpapatunay sa kataasan ng diskursong ito at ito ay walang alinlangan na pinakamahusay sa kumperensya. Siyempre, ito ang diskursong kilala bilang The Philosophy of the Teachings of Islam.
Mustajab o Pagtanggap sa mga Panalangin ng Hadhrat Masih Mau’ud (as).
Binanggit pa ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ang tinuran ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na nagsabing ipinahayag sa kanya ng Diyos na ang mahusay na pagsasalita ay dadaloy mula sa kanyang mga labi. Sa pamamagitan ng kanyang malalim na mga akda, ang mga tao sa lahat ng iba't ibang pananampalataya at pinagmulan ay mapapatunayan na ang kanyang mga isinulat ay walang kaparis, maging sa Urdu o maging sa Arabic.
Pagkatapos ay mayroon ding mga palatandaan ng pagtanggap ng panalangin. Nang ang isang batang lalaki ay nakagat ng isang mabangis na aso at napag-alamang wala nang ibang magagawa para sa kanya at siya ay malapit nang mamatay, ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) ay nanalangin nang buong-puso at may matinding pagdadalamhati para sa kanya. Nadaig ng gayong kalagayan ng sigasig ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) na ang kanyang mga panalangin ay nagpakita ng mahimalang pagpapabuti para sa batang lalaki at sa loob ng ilang araw ay ganap siyang gumaling. Pagkatapos ay naging malinaw na ang sakit na ito sa bata ay hindi nilayon upang siya ay mapahamak, ngunit ito ay isang pagkakataon para sa kapangyarihan ng Diyos na maipakitang muli.
Binanggit pa ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ang tinuran ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na binanggit ang tanda ni Dr Alexander Dowie , na nasawi pagkatapos magsagawa ng tunggalian ng panalangin laban sa Hadhrat Masih Mau’ud (as). Ang isang tao na may malaking kabantugan at kapangyarihan ay namatay sa kahihiyan bilang resulta ng kanyang pagtanggi sa Hadhrat Masih Mau’ud (as) at paghamon sa kanya sa isang tunggalian ng panalangin.
Binanggit pa ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ang tinuran ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na tumugon sa mga nagsasabi na ipagbawal ng Diyos na siya ay huwad at nagtataglay sa kanya ng malawak na hanay ng mga kamalian at kasamaan. Ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) ay nagsabi na kung ito ay magiging totoo, kung gayon paanong ang kanyang Jama’at ay patuloy na magtatagumpay at ang Diyos ay patuloy na nagpapakita ng mga palatandaan sa kanyang pabor. Hindi ba ito ang nagpapatunay sa kanyang pagiging totoo?
Isang Al-Masih na Magbubuklod sa Ummah ng mga Muslim
Sinabi ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) na kung babasahin lamang ng mga kalaban ang kanyang mga aklat at pag-isipan ang mga banal na tanda na kasama ng Hadhrat Masih Mau’ud (as). Tinanggap man lang ng mga kalaban na ang kasalukuyang panahon ay nangangailangan ng pagdating ng tagapagpabago at Mahdi, gayunpaman, itinatanggi nila ang dumating na, at sabay nilang inililigaw ang mga Muslim. Ang makalangit na mga tanda ay sinamahan ng pagdating ng Hadhrat Masih Mau’ud (as), ngunit hindi pa rin sila nakikilala ng mga taong ito. Kung ang mga Muslim ngayon ay kikilalanin at tatanggapin ang Hadhrat Masih Mau’ud (as), kung gayon ang Muslim Ummah [mga tao] ay maaaring makakuha ng higit na kahusayan sa mundo; kung hindi ay mananatili ang kanilang kalagayan. Nawa'y bigyan sila ng Allah ng katwiran at pang-unawa.
Sinabi ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) na sa buwan ng Ramadan, kasama ng pagdarasal para sa kanilang sarili at sa Jama’at, dapat ding ipagdasal ng mga Ahmadi ang Muslim Ummah, na nawa'y buksan ng Allah ang kanilang mga mata, ilabas sila sa kadiliman, at makilala nila na iyon ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) at ang kanyang pamayanan ay ang mga tunay na nakakaunawa sa katayuan ng Banal na Propeta (saw) bilang Khataman na bituin the Seal of Prophets o Tatak ng mga Propeta
Mga Panalangin para sa mga Ahmadi sa Buong Mundo
Hinimok ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ang mga kasapi na ipagdasal ang mga Ahmadi sa Pakistan; nawa'y iligtas ng Allah ang bansa mula sa mga naghahangad na lumikha ng kaguluhan at mga pinunong naglilingkod sa sarili. Hinimok din ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ang mga panalangin para sa mga Ahmadi sa Burkina Faso at Bangladesh. Ang Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ay nanalangin na nawa'y ang lahat ng Ahmadi sa buong mundo ay manatiling ligtas sa bawat pinsala, nawa'y bigyan ng Allah ang katatagan ang mga Ahmadi at dagdagan sila ng pananampalataya.
Hinimok din ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ang mga panalangin para sa mundo na maligtas mula sa pagkawasak. Ang mga kalagayan ng daigdig ngayon ay dahilan upang tumayo ito sa bangin ng apoy. Ang mundo ay nakatayo hindi lamang sa bingit ng pisikal na pagkawasak sa anyo ng mga digmaan, kundi pati na rin ang moral na pagkasira na patuloy na dumarami habang ang mga tao ay lumalayo sa Diyos; nawa'y ituwid nila ang kanilang mga lakad, upang hindi sila magdulot ng poot ng Diyos.
Nanalangin ang Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) na nawa'y protektahan ng Allah ang mga Ahmadi mula sa lahat ng kasamaan at paganahin silang magampanan ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad habang pinananatili sila sa Kanyang proteksyon.
Anunsyo Tungkol sa Al-Fazl Newspaper
Ang Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) ay nag-anunsyo na simula sa Marso 23, ang Al-Fazl na inilalathala dalawang beses sa isang linggo ay ipapalabas na araw-araw. Sinabi ng Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) na ang mga nakakaalam ng Urdu ay dapat makinabang dito sa abot ng kanilang makakaya sa pamamagitan ng pag-subscribe dito at pagbabasa nito. Nanalangin din ang Hadhrat Amirul Mu’minin (aba) na sana ang mga sumusulat ay makapagsulat ng mahuhusay na artikulo.
Buod na inihanda ng The Review of Religions
Comments