top of page

Khilafat: Ang Banal na Biyaya at Mga Pagpapala

Writer: Nuruddin Moh. RazariNuruddin Moh. Razari

MAYO 26, 2023

Khutbah sa Biyernes na ibinigay ni Hazrat Mirza Masroor Ahmad (atba)


Ang Sermon ng Biyernes ay ibinigay sa Masjid Mubarak, Islamabad, Tilford, UK


Pagkatapos bigkasin ang Tashahhud , Ta'awwuz at Surah al-Fatihah , ang Huzoor Hadhrat Khalifatul Masih Alkhamis, Hazrat Mirza Masroor Ahmad (aba) ay nagsabi na nang ipaalam ng Allahu-Ta’ala sa Hadhrat Masih Mau’ud (as) na ang iyong nakatakdang pagpanaw ay malapit na, ipinaalam ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) sa kanyang Jama’at Ang Makapangyarihang Allahu Ta’ala ay nagpapakita ng dalawang bahagi ng kanyang Qudrat o kapangyarihan: una, ipinakita niya ang kamay ng kanyang kapangyarihan sa mga kamay ng mga propeta mismo, at ikalawa, ipinakita niya ang kamay ng kanyang kapangyarihan Qudrat pagkatapos ng kamatayan ng propeta kapag nahaharap sa kahirapan at kapag iniisip ng mga tao na ang propeta ay nanghina at ang kanilang pamayanan ay nabigo at ang mga kaaway ay nagagalak at nagungutya at iniisip na sila ay ang malakas at ang mga wikain at usapin ng Jama’at ay nagkamali na ngayon, at natitiyak nila na ang Jama’at na ito ay mapapawi, maging ang mga miyembro nito mismo Sila ay nahuhulog sa kalituhan at pag-aalinlangan, at nawalan na ng lakas, at maging ang marami sa mga kahabag-habag na miyembro ay nagmurtad o tumalikod, pagkatapos ay ipinakitang muli ng Allahu-Ta’ala ang Kanyang makapangyarihang Qudrat at inaalalayan ang gumuho na Jama’at. Ang isang member Jamaat na nananatiling matatag at masabar hanggang sa huling sandali ay nakakakita ng banal na qaramat o himala, tulad ng nangyari noong panahon ng Hadhrat Sayyidina Abu Bakr Al-Siddiq (nang inakala na ang pagkamatay ng Rasulullah (ay napaaga), at marami sa mga mangmang, Ang mga Bedouin ay nagmurtad, at ang mga Sahabat ay naging parang baliw dahil sa kalungkutan at pighati. pagkatapos ay itinaas ng Allahu-Ta’ala ang Hadhrat Sayyidina Abu Bakr Al-Siddiq – Radiyallāhu anhu – bilang Khalifatur Rasul ay nagpakitang muli ng isang halimbawa ng kanyang Qudrat o kakayahan, at pinrotektahan ang Islam mula sa nalalapit na pagkalipol. Tinupad niya (ang kanyang pangako kung saan sinabi niya sa Ilham:

At ang pangalawang Qudrat iyon ay hindi darating sa iyo maliban kung ako ay umalis, ngunit kapag ako ay umalis ay ipapadala sa inyo ng Allahu-Ta’ala ang pangalawang kapangyarihan Qudrat Niya, na mananatili sa inyo magpakailanman ayon sa pangako ng Allahu-Ta’ala na aking naitala sa aking aklat na “Barahin-e-Ahmadiyya”, at ang pangakong ito ay hindi tungkol sa akin kundi tungkol sa inyong lahat. Gaya ng sinabi ng Allahu-Ta’ala: Gagawin Ko itong pangkat ng mga sumunod sa iyo na higit sa iba hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Kinakailangan na ang araw ng aking paghihiwalay ay dumating sa inyo, sa gabi pagkatapos ng araw na iyon, na siyang araw ng walang hanggang pangako. Ang ating Panginoon ay isang tunay na Diyos, tapat, at tutuparin Niya ang lahat ng Kanyang ipinangako sa inyo.”

Kung Paano Ipinakikita ng Makapangyarihang Allah swt ang Kanyang Kapangyarihan Pagkatapos ng Pagkamatay ng mga Propeta

Ang Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) ay nagpatuloy sa pagbanggit sa wikain ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na nagsabi na ang mga kalaban ng Islam ay nagalak sa pagpanaw ng Banal na Propeta Rasulullah (saw) habang ang mga sahabat ay nasa matinding paghihirap at dalamhati. Gayunpaman, ipinakita ng Allah Ajja wa Jalla sa pamamagitan ng pag-uutos kay Hazrat Abu Bakr (ra) at ang lakas ng Islam ay napatatag. Sa ganitong paraan, tinupad ng Allahu-Ta’ala ang Kanyang pangako, 'at Kanyang itatatag para sa kanila ang kanilang pananampalataya na Kanyang pinili para sa kanila at Kanyang babaguhin ang kanilang katayuan ng takot papuntang kapayapaan.'

Ipinagpatuloy ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) ang Pagbanggit sa mga wikain ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) na nagsabing ganoon din ang nangyari noong panahon ni Musa (as) . Nang pumanaw si Musa (as) sa pagitan ng Ehipto at Canaan, bago niya matulungan ang mga Israelita na makarating sa kanilang destinasyon, nagkaroon ng matinding kalungkutan sa mga Israelita. Ang Torah ay naglalarawan na sila ay umiyak sa loob ng apatnapung magkakasunod na araw. Gayunpaman, Sunnatullah, noon pa man, naging kaugalian na ng Allahu-Ta’ala na magpakita ng dalawang pagpapakita ng Kanyang Qudrat upang sirain ang huwad na kagalakan ng mga kalaban. kung gayon ang Hadhrat Masih Mau’ud (as)sinabi na ganoon din ang mangyayari pagkatapos ng kanyang pagkamatay, at magkakaroon ng pangalawang pagpapakita ng Qudrat pagkatapos niya na tatagal hanggang sa katapusan ng mga araw. Ipinangako ng Allahu-Ta’ala sa Hadhrat Masih Mau’ud (as) na ang kanyang Jama’ah ay mananaig hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Bagama't ito na ang mga huling araw at ang mga palatandaan ng katapusan ng mundo ay patuloy na nagpapakita, gayunpaman, hindi hahayaan ng Allahu-Ta’ala na masira ang mundo hangga't hindi natatapos ang Kanyang pangako.

Ang Pangako ng Ikalawang Pagpapakita ng Kapangyarihan Pagkatapos ng Hadhrat Imam Mahdi (as)

Ang Hadhrat Imam Mahdi (as) na nagsabi na ako ay isang Qudrat na kinatawan at ako ay isang pagpapakita ng kapangyarihan ng Allahu-Ta’ala, at pagkatapos kung ako’y wala’na, ay may iba pang magiging pangalawang pagpapakita ng Qudrat ng Allahu-Ta’ala.

Hadhrat Masih Mau’udas. Ay nagsabi, ang kagustuhan ng Allahu-Ta’ala ang lahat ng Ruh na hindi magsalita saan man sa mundo maging sa Europa, Asia ang lahat na may akhlak tabiat sutsi ay madadala sa tauhid ng Allahu-Ta’ala at ipagkaisa sa isang relihiyon. Ito ang kagustuhan ng Allah kung bakit aku inutusan Niya sa Dunya, dapat kayo din ay sumunod sa kagustuhan na ito, subalit sa pamamagitan ng akhlak hasana at maraming mga Duwa’a o palagiang manalangin ng may dedikasyon, Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na kaya pagkatapos ng pagpanaw ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) ay inatasan ng Allahu-Ta’ala ang Unang Khalifah, si Hazrat Hakim Maulwi Nooruddin (ra) na pinagkatiwala ang misyon ng Hadhrat Masih Mau’ud as . Na pinagkaisa ang lahat sa kanya, Khalifatul Masih Al-awwal bi-idznillah, Nah mayroong ilang mga opinyon na pagkatapos ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) ang Anjuman ay dapat na maging kahalili niya, gayunpaman, ang Unang Khalifatul Masih (ra)Winakasan niya ang rebelyong ito at hinigpitan niya. Pagkatapos niya, inatasan ng Allahu-Ta’ala ang, si Hazrat Mirza Bashiruddin Mahmud Ahmad (ra) . At ng napili siya bilang  Pangalawang Khalifatul Masih ay May mga nag-aakalang mas scholar sila kaysa sa kanya at sinubukang mag-alsa. Sa katunayan, hinangad pa nilang maantala ang halalan ng Khilafat hinahangad na ipagpaliban ang halalan ng Pag-Khalifah sa loob ng ilang buwan kung hindi nila ito ganap na makansela.. Gayunpaman, tiniyak ng Allahu-Ta’ala na ang lahat ng kanilang mga pagsisikap ay ganap na nabigo at ang Khilafat-e-Ahmadiyyat ay ang matatag at mananaig ng mas malakas kaysa dati, ayon sa Kanyang pangako, ay tinipon muli ang mga mananampalataya sa isang kamay, at ang mga kalaban ng Khilafat at ang mga mapagkunwari ay nabigo, at dahil sa Rahmat at Taufik ng Allahu-Ta’ala ang panahon ng kanyang pagkhilafat ay tumagal ng 52 taon, na ang misyon ay na puno ng intiliktual at espirituwal na pangaral nabuksan sa mundo, at ang systema at organisasyon ng Jama’at ay naging mas malakas at pinagtibay. At ang lahat ng ito ay nangyari sa panahon ng kanyang pagkhilafat, pagkatapos ng kanyang panahon o ang kanyang pagpanaw, nagsimula ang ikatlong Khalifatul Masih na inatasan ng Allahu-Ta’ala ang Ikatlong Khalifah, si Hazrat Mirza Nasir Ahmad (rh) . at nakamit ang posisyon ng Khilafat sa pamamagitan ng biyaya at tagumpay ng ridha at tulong ng Allahu-Ta’ala. Pagkatapos, ayon sa kalooban ng Allahu-Ta’ala nang pumanaw ang Ikatlong Khalifatul Masih (rh) , inatasan ng Diyos si Hazrat Mirza Tahir Ahmad (rh) bilang Ika-apat na Kahalili ng Hadhrat Masih Mau’ud (as). Matapos ang pagpanaw ng Ikaapat na Khalifah (rh) , inatasan ng Diyos ang Huzoor, si Hazrat Mirza Masroor Ahmad (ra) sa ranggo ng Khalifah.

Ang Bond of Love sa pagitan ng Caliph at ng Kanyang Jama’ah

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) Isa sa kanyang sinabi: dahil may kahinaan at mga pagkukulang ako, ngunit Ang Allah ay pinoprotektahan ang Jama’at na ito, ayon sa Kanyang pangako na Kanyang ginawa sa Hadhrat Masih Mau’ud as. , ay nagpaunlad din sa pamayanan sa Jama’at sa aking panahon ng pagkhilafat. (asat patuloy na inakay ang kanyang Pamayanan sa mga landas ng tagumpay. Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na sa panahong ito ng kanyang khilafat, sinubukan ng mga kalaban na lumikha ng hindi pagkakasundo at sinubukang wakasan ang Jama’at. Ang mga Ahmadi ay naging martir sa iba't ibang bansa sa buong mundo o binigyan sila ng pang-akit ng mga makamundong bagay. Gayunpaman, ang Allahu Ta’ala ay patuloy na dinagdagan ang mga Ahmadi sa kanilang pananampalataya, katiyakan at relasyon sa Khilafat. Sa Asia man, Europe, America o Africa, ang relasyon ng bawat tao sa Khilafat ay itinatag ng Diyos. Walang iba kundi ang Allahu Ta’ala ang lumikha ng gayong pag-ibig at pagmamahal sa puso ng mga tao at koneksyon sa khilafat-e-waqte at Jama’at. Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba)sinabi na kahit saan aku pumunta, sa mundo, nakikita ku ang pagmamahal na ito sa mga tao. Sa katunayan, ang mga bagay na ito ay hindi lamang mga salita, ngunit ang mga patotoong ito ay napanatili na saksi kahit ang mga lente ng kamera (mga video mta na captured ng mta). Ang mta ay patuloy na ipinapakita ang mga pangyayari na iyon. At ng makita ito kahit ang mga kalaban ay kiyalugusan magsalita, nah Palatandaan ng Tulong ng Allahu-Ta’ala ay nasa atin

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na siya ay tumatanggap ng libu-libong liham sa isang buwan na nagpapakita kung paano ikinabit ng Allahu-Ta’ala ang mga tao sa Jama’at at Siya mismo ay nagtatag ng isang bigkis ng pagmamahalan sa pagitan ng Jama’ah at ng khilafat. Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na ipahahayag niya ang ilang halimbawa ng gayong mga liham.

Mga Kahanga-hangang Halimbawa ng Allahu-Ta’ala na Naghahatid ng sa mga Tao Patungo sa katotohanan ng Hadhrat Masih Mau’ud as. At ng Kahanga-kahangang systema ng nizam khilafat Ahmadiyyat

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na sa Tanzania, isang babae ang pumunta sa masjid upang humingi ng panalangin. Sinabi niya na nakakita siya ng mga panaginip kung saan makikita niya ang isang lalaki na may mahabang balbas at kutis na trigo. Nang ipakilala sa Jama’at at sa mga turo ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) , napagtanto niya na ang taong nakita niya sa kanyang panaginip ay maaaring ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) o ang Pangalawang Khalifah ng Ahmadiyya (ra) . Sa pagkaunawang ito, tinanggap niya ang Ahmadiyyat kasama ang kanyang pamilya.

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na sa Indonesia, isang tao ang dumating sa Masjid upang tanggapin ang Ahmadiyyat. Ipinaliwanag niya na mahirap ang buhay niya. Sa panahon ng kahirapan, nakita niyang may nakakasalubong niyang senior na nakasuot ng puting turban. Sinabi sa kanya ng matanda na ito sa panaginip na mag-alay ng sadaqa sa loob ng apatnapung araw. Ginawa niya ito at sa ikadalawampung araw, naalis ang kanyang kahirapan. Pagkatapos, pagkaraan ng mga tatlong buwan ay nakita niyang muli ang parehong senior na nagdala sa kanya sa isang bundok upang kumain ng ilang prutas. Sinabi sa kanya ng matanda sa panaginip na iugnay lamang ang panaginip na ito sa mga maka-diyos. Nang makita ang larawan ng mga Khalifah ng Jama’at, itinuro niya ang Ikaapat na khalifatul Masih (rh) , sinabi niya na ito ang mismong senior na nakasuot ng puting turban na nakita niya sa kanyang panaginip, at tinanggap niya ang Ahmadiyyat.

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na sa Cameroon, isang binata na naging ahmadi ang nakakita ng dalawang senior sa kanyang panaginip. Nagtanong ang isa sa kanya kung ano ang kanyang ginagawa, na sinagot niya na pinasakay niya ang mga tao sa kanyang motorsiklo at iyon ang kanyang ikinabubuhay. Sinabihan siya ng isa na iwanan ang kanyang motorsiklo at pumunta rito para mag-alay ng panalangin at pagkatapos ako ang nag Imam Shalat, pagkatapos nito ang aking mata ay bumukas. Makalipas ang ilang araw, may nakita siyang namamahagi ng mga leaflets mga pamphlet sa palengke na ito ay galing sa Jama’at Ahmadiyya. Kinuha niya ang browser o leaflets Jamaat at nang mabasa niya ito pagka-uwi niya sa bahay, nakita niya ang photo ng Hadhrat Masih Mau’ud (as) at napagtanto na isa ito sa mga matatandang nakita niya sa panaginip. Pagkatapos sa karagdagang pagsasaliksik na pumunta siya sa Missionary ng Jama’at at pagkakita ng mga larawan ng mga khilafat, napagtanto niya na ang isa pang nakatatanda ay ang Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) , na nagsabi sa kanya na manalangin at inutusan siya sa kanyang panaginip na mag-Shalat at siya ay nag-Imam sa Panalangin. Tinanggap niya ang Ahmadiyyat at naging Imam pa ng kanyang nayon, na ayon sa kanya ay dahil sa mga pagpapala ng Ahmadiyyat.

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na sa Kenya, mayroong isang maliit na bayan na karamihan ay Kristiyano, na may 520 simbahan at iisang sentro lamang ng Ahmadiyya Community. Isang araw, isang lalaki ang pumunta sa Ahmadiyya prayer center at nakakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa Jama’at. Napagtanto niya na ang Jama’at na ito ay may mga pananaw na iba sa kanya, gayunpaman, inalok siyang pumunta sa Masjid kung kailan niya gusto. Isang araw habang bumibisita, nasa TV ang MTA at pinalabas ang isang sermon ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) . Nang marinig ito, sinabi niya na nais niyang tanggapin ang Ahmadiyyat. Nang tanungin kung ano ang nagbago sa kanyang isip, sinabi niya na noong nakaraang araw nang siya ay magising at lumabas, siya ay tumingala at nakakita ng isang nagniningning na ilaw. Sinabi niya na nang makita ang sermon ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba), natupad ang kanyang nakita kaya tinanggap niya ang Ahamdiyyat kasama ang kanyang pamilya. Kaya, nabago ang puso ng isang kalaban.

Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba)Sinabi ng isang babae mula sa Paraguay na ang kanyang paglalakbay sa Islam ay nagsimula noong panahon ng Covid pandemic. Nagpasya siyang magsimulang mag-aral ng bagong wika, kaya nagsimula siyang kumuha ng online na mga klase sa Arabic. Sa pamamagitan ng mga klase, natutunan niya ang tungkol sa Islam at nagsimulang magsaliksik nang mag-isa. Isang araw, nakakita siya ng post sa FaceBook tungkol sa isang event na tinatawag na 'Coffee, Cake and Islam', Nagparehistro siya at pumunta sa event kung saan nakilala niya ang Missionary at ang kanyang asawa. Sa una, nagkaroon siya ng ilang mga pangamba at naisip na ang mga Arabo lamang ang maaaring pumasok sa isang masjid, gayunpaman, siya ay dumating upang matuto ng maraming bagay at nalaman na ang Islam ay nagtuturo na walang pamimilit sa relihiyon at na ang Islam ay isang relihiyon ng kapayapaan. Nanatili siyang nakikipag-ugnayan sa asawa ng Misyonero at madalas magtanong sa kanya at sumasali pa tarbiyyat class sa lingguhang mga klase. Sinikap din niyang matutunan ang kabuuanSalat (pormal na pagdarasal). Isang araw, habang isinalaysay ang lahat ng kanyang natutunan sa kanyang asawa, iminungkahi niya na siya ay maging Muslim. Nag-aral pa siya, nagtanong at nakinig sa mga sermon ng Khalifah Ahmadiyya at bilang resulta, pagkaraan ng ilang panahon, tinanggap niya ang Ahmadiyyat. Tinanggap din ng kanyang asawa ang Ahmadiyyat makalipas ang ilang buwan.

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na sa Sierra Leone, isang lalaki ang inanyayahan upang makinig sa sermon na ibinigay ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) . Sumama siya sa kanyang pamilya upang makinig sa sermon. Nang marinig ito, labis siyang naapektuhan kaya tinanggap niya ang Ahmadiyyat. Ngayon, naging aktibong miyembro siya ng Jamaat, tumutulong sa buong pagkukumpuni ng masjid at madalas na nagsagawa ng boluntaryong pag-aayuno, bukod sa iba pang mga bagay.

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na sa Bangladesh, isang binata ang ipinakilala sa Jama’at ng Ahmadiyya at bibisita siya sa Masjid upang makinig sa mga sermon na ibinibigay ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) . Naimpluwensyahan siya nito hanggang sa tinanggap niya ang Ahmadiyyat, gayunpaman, hindi pa tinatanggap ng kanyang asawa ang Ahmadiyyat. Wala pang anak ang mag-asawa, kaya iminungkahi ng lalaki sa kanyang asawa na magsulat siya ng liham sa Khalifah ng Ahmadiyya na humihiling ng mga panalangin. Pagkatapos niyang gawin iyon ay Alhamdulillah nagkaruon siya ng anak. Siya ay naantig at naisip na dahil sa mga panalangin ng na ang pagpapalang ito ay ipinagkaloob sa kanila at sa gayon, tinanggap din niya ang Ahmadiyyat.

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na sa Mali, may isang lalaki na naaksidente na nagresulta sa pagkabali ng kanyang mga paa. Sa kabila ng maraming pagtatangka at iba't ibang pamamaraan, hindi gumaling ang kanyang mga binti. Isang araw, nakita niya ang Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin, ang Ikalimang Khalifatul Masih (aba) sa isang panaginip, na patuloy na nagdarasal para sa kanya at sa panaginip ay tutugon siya sa pamamagitan ng pagsasabi ng Ameen . Nang magising siya, sinabi niya ang Ameen at ipinatong ang mga kamay sa kanyang mga binti. Pagkatapos nito ay unti-unting gumaling ang kanyang mga binti at ngayon, walang makapagsasabi na bali ang kanyang mga binti. Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na ganito ang pagtatatag ng Allahu-Ta’ala ng mga ugnayan sa pagitan ng mga tao at ng Khalifah Ahmadiyya ng kapanahunan (aba) .

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na maging ang mga hindi-Ahmadis ay naapektuhan ng Caliphate. Sa Congo-Kinshasa, ang Jama’at ay may istasyon ng radyo kung saan ipinaparating ang mga sermon ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) . Isang araw, dumating ang isang doktor sa Jama’at na nagsabing palagi siyang nakikinig sa mga sermon at hiniling na isalin ang mga ito sa lokal na wika upang mas marami ang makarinig sa mga sermon na ito. Kaya naman, ang mga pagpapalang nauugnay sa Caliphate ay napakalakas na kahit na ang mga di-Ahmadis ay hinihikayat na ang mensahe ng Caliph ay maipalaganap sa pinakamaraming tao hangga't maaari. Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na balang araw ay makikilala at tatanggapin din nila ang katotohanan ng Ahmadiyyat.

(Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng iba't ibang pangyayari na ipinakita ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) .)

Walang Makahahadlang sa Pag-unlad ng Ahmadiyyat sa Pamamahala ng khilafat

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na ang pangakong ginawa ng Allahu-Ta’ala sa Hadhrat Masih Mau’ud (as) tungkol sa mga pagpapalang sasamahan ng Caliphate ay natutupad sa kahanga-hanga at mahiwagang paraan na hindi kayang unawain ng isip ng tao. Kung ang mga pangyayaring ito, ang mga palatandaan na ipinadala ng Diyos, ang tulong na kasama ng Khaliphate ng Ahmadiyya at ang Hadhrat Masih Mau’ud (as) na dumating bilang pagkaalipin sa Banal na Propeta Rasulullah (saw).upang magkaisa ang mundo ay hindi lahat ng patunay ng katotohanan, kung gayon ano? Ito ay ang Ahmadiyya Muslim Community na nag-iisa na, sa ilalim ng Caliphate, ay nagtatrabaho upang itaguyod ang tagumpay at pagpapalaganap ng Islam. Ang tagumpay na nasaksihan ng Jama’at na ito ay malinaw na patunay ng tulong ng Allahu-Ta’ala. Gayunpaman, ang mga pinipiling manatiling bulag ay hindi, at hinding-hindi na makakakita. Sa kalooban ng Diyos, Inshaa-Allah alinsunod sa pangako ng Allahu-Ta’ala, ang paghalili sa mga tuntunin ng pagkapropeta na nagsimula sa Hadhrat Masih Mau’ud (as) ang khilafat-e-ala-minha-jinnubuwah ay magpapatuloy hanggang sa katapusan ng mga panahon. Walang kaaway na makahahadlang sa pangyayaring ito. Kung ang lahat ng mga halimbawang pangyayaring naganap na ito ay hindi tulong at suporta ng Allahu-Ta’ala sa khilfati-ahmadiyya at ng palatandaan ng Hadhrat Masih Mau’ud as. Na dumating isang buong pusong pag-aalay sa Hadhrat Rasulullah saw. Na ang layunin ay ipagkaisa ang ummat na maging wahida, nah anu pa, at sino pa, katiyakan ang nag-iisa lamang ng Jama’at Ahmadiyya ang na sa nizam Jamaat ang gumagawa ng da’wa tabligh Islam sa buong sangsinukob, ang mga nasaksihan natin mga pag-unlad sa Jamaat, kahit na sa sitwasyon ng kahirapan at kahigpitan ito ay Palatandaan ng suporta at tulong ng Allahu-Ta’ala, kung hindi, anu pa, maliban sa mga sila na bulag ang mata, ang mga sila hindi makakita sa kanya, at hindi talaga sila makakakita, , Inshaa-Allah ang Jama’at Ahmadiyya Sa pangako na pinagkaloob Niya at ang mga banal na propesiya ng Hadhrat Rasụlullah saw. Ang khilafat ala minha jinnubuwa na pinangunahan ng Hadhrat Masih Mau’ud as palaging umiiral hanggang sa katapusan ng panahon at manatiling buhay at walang sino man ang makahadlang sa pag-unlad at walang kaaway na makahahadlang sa Banal na gawain ito.,

Sinabi ng Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) na dapat tayong patuloy na magsikap na hi angat ang ating pananampalataya, manatiling kumakapit ng mahigpit sa Khilafat-e-Ahmadiyyat, at huwag magdadalawang isip mag bigay ng sakripisyo upang matiyak ang pagpapatuloy nito. Ang Hadhrat Sayyidina Amirul Mu’minin (aba) ay nanalangin na nawa'y bigyang-daan tayo ng Allahu-Ta’ala ng Taufik na magawa ito.


Jazakumullah Ahsanal Jaza


Copyright © 2024 Ahmadiyya Muslim Community Philippines.

Design and Maintain by: Youth Organization of Ahmadiyya Philippines 

bottom of page