Propesiya Ng Muslih Mau'ud - Ang Hula at Ang Katuparan Nito

Pagkatapos basahin ang Tashahhud, Ta’awwuz at ang Surah Al-Fatiha, ay sinabi ni Hazrat Khalifatul Masih V (aba):


Ang mga araw na ito ay ginugunita sa Jama’at ang Yawme Musleh Maw’ood (Araw ng Musleh Maw’ood) – ito ay tungkol sa propesiya kung saan ang Dakilang Diyos ay nagbigay ng mabuting balita kay Hazrat Masihul Maw’ood (as) tungkol sa ipinangakong anak. Hinulaan ng Dakilang Diyos ang tungkol sa anak na lalake na siyang magkakaroon ng di-pangkaraniwang katangian, isang tunay na tagapaglingkod sa kanyang relihiyon, magkakaroon ng mahabang buhay at magpapatuloy sa mga gawain at misyon ng Masihul Maw’ood (as). Ang propesiyang ito ay naganap noong ika-20 ng Pebrero 1886 at ang batang ito ay isinilang noong ika-12 ng Enero 1889, ang kanyang pangalan ay si Hazrat Mirza Bashiruddin Mahmud Ahmad, at ipinagkaloob ng Dakilang Diyos sa kanya ang belo ng Khilafat sa likod ng pagkamatay ni Hazrat Khalifatul Masih I (ra). Ang propesiyang ito ay hindi lamang tungkol sa kapanganakan ng isang batang lalake, subalit ito ay balita sa hinaharap tungkol sa bukod tanging anak na lalake na siyang maglalagay ng pundasyon para sa ispiritwal na rebolusyon sa mundo.




Tulad ng nasabi ko noon na aking babanggitin ang kasagutan ng Masihul Maw’ood (as) sa kanyang mga kritiko at ito ay maiintindihan ng mabuti kung babasahin ang mga kasagutan mula sa kanya. Ang sabi ng Masihul Maw’ood (as): “ang katotohanan sa likod ng muling-buhayin ang patay ay nangangahugan na ang isa ay dapat manalangin at gagawa ng kahilingin para sa kaluluwa na muling magbalik-loob; ang ganitong muling pagbuhay ng kaluluwa ay nai-ugnay sa Masihul Maw’ood (as)at sa ilang mga Propeta sa Bibliya, kung saan marami ang mga pinagsasabi ng mga kritiko tungkol dito. Ano ang mapapala ng bulok na kaluluwa ng masamang tao o kaya’y taong maka-materya, pag ipinagkaloob sa kanya ang mundong ito?”

Ipinaliwanag ni Masihul Maw’ood (as) ang tungkol sa propesiya ng Musleh Maw’ood, ‘sa pagkakataong ito, at dahil na rin sa awa at pagpapala mula sa Dakilang Diyos, at katangian ng Banal na Propeta (sa) ay tinanggap ng Dakilang Diyos ang panalangin nitong mapagpakumbaba Niyang tagapaglingkod, na naipangako Niyang ipadala ang napakalinis na kaluluwa, na ang maliwanag at nakatatago nitong mga biyaya ay lalaganap sa buong mundo.”


Ginawa ni Masihul Maw’ood (as) ang pagpapahayag na ito sa kanyang aklat na pinamagatan Tabligh-e-Risalat. Dito ay hindi siya nagsumamo para humiling lamang ng isang karaniwang kaluluwa, kundi ay nanalangin siya para sa palatandaan, na ang resulta nito ay nagbigay na mabuting balita sa kanya ang Dakilang Diyos tungkol sa anak na lalake na magkakaroon ng napakaraming katangian. Ang banal na balita tungkol sa marilag nitong anak na lalake ay naitakda na magkaroon ng mahabang buhay, ubod sa talino, magkaroon ng karangalan, kadakilaan at kasaganaan. Ang mga bansa ay kakamit ng mga pagpapala mula sa kanya. Siya ay puno ng sekular at pang-ispiritwal na kaalaman. Siya ay napagkalooban ng napakalalim na kaalaman sa Salita ng Dakiang Diyos - Banal na Koran. Higit pa rito, ay ginagamit niya itong kaalaman na nagmula sa Dakilang Diyos at ihahatid niya ang Banal na Koran sa mainam na pamamaraan na maliwanagan ang mundo sa katayuan ng Banal na Salita ng Allah (swt). Siya ang magiging paraan sa paglaya ng mga nagiging bihag; siya ay maging Alame Kabab, na ang ibig sabihin ay ang pandaigdigang sakuna ay mangyayari sa kanyang panahon na ang sakunang ito ay magbibigay ng pahirap sa buong daigdig. Ang kanyang kagitingan ay kumakalat sa lahat ng sulok ng mundo.


Tayo ang saksi sa malalaking pandaigdigang sakuna, tulad ng isang propesiyang nabanggit na nangyari sa panahon ni Hazrat Musleh Maw’ood (ra) sa kaanyuan ng dalawang digmaang pandaigdig at ganun din sa ibat ibang mga kalamidad ng nangyari. Tulad ng aking nabanggit, ay sasabihin ko ang ilang mga salita na may kaugnayan sa buhay at pag-uugali ni Hazrat Musleh Maw’ood (ra).


Tungkol sa kanyang edukasyon, pagkatapos niyang mag-aral ng pagbabasa sa Banal na Koran, ay nag-enrol siya sa opisyal na iskwelahan at nagkaroon siya ng oportunidad makamit ang sekular na edukasyon. May mga panahon na tinuturuan siya ng Urdu ni Pir Mansoor Muhammad Sahib (ra). At sinundan ito ng pagtuturo ng Ingles sa kanya ni Maulwi Sher Ali Sahib. Idinitalye ni Hazrat Sahibzada Mirza Mahmod Ahmad Sahib na siya ay kawawang bata na may kronikong karamdaman at may malaking problema sa mata dahil sa trakoma. Ang kanyang mga mata ay nagkaroon ng hapdi at nag-alala ang doktor na baka siya hindi makakakita. Dahil dito ang Masihul Maw’ood (as) nagsimulang manalangin at mag-aayuno ayon sa kanyang kalooban. Sa awa ng Dakilang Diyos, ang kanyang paningin ay nagkaroon ng pagbabago subalit ang isa niyang mata ay bahagyang malabo. Sinabihan ng Masihul Maw’ood (as) ang kanyang mga guro na turuan na lamang siya kung ano ang kanyang makakayanan at huwag siyang pilitin pumasok sa iskwelahan. Gayunpaman, ay nagbigay ng diin ang Masihul Maw’ood (as) na dapat niyang pag-aralan ang salin ng Banal na Koran at ang Sahihul Bukhari mula kay Hazrat Maulana Nuruddin (Khalifatul Masih I (ra) ), at kailangan din niyang pag-aralan ang tungkol sa medisina, sapagkat ito ang propesyon na nau-ugnay sa kanilang pamilya.


Kahit na may mga report mula sa ilang iskwelahan na siya ay hindi nakakagawa ng sapat na pag-unlad sa iskwelahan, ang Masihul Maw’ood (as) ay hindi niya pinipilit ang kanyang anak na mag-aral at nanatili siyang mapanustos. Si Hazrat Maulana Nuruddin Sahib (ra) ay lubhang suportado at nagsabi kay Hazrat Sahibzada Mirza Mahmood Ahmad Sahib: “Mian! Ang iyong kalusugan ay hindi sapat upang ikaw ay mag-aral ng sarili mong mag-isa. Bisitahin mo ako at tuturuan kita sa pamamaraan na wala kang gawin kundi makinig lamang.” Kaya unang natuto ng Banal na Koran si Hazrat Sahibzada Mirza Mahmood Ahmad Sahib at pagkatapos ay ang Sahihul Bukhari at may mga leksyon din tungkol sa medisina. Eto ang naging edukasyon ko sabi ni Hazrat Musleh Maw’ood (ra). Sa mga panahong natapos kong itong kurso, ay ipinakita sa aking ng Dakilang Diyos sa panaginip ang pag-unlad ng aking kaalaman.


Ang kanyang makamundong edukasyon ay kasunod sa bagay na walang halaga hanggat siya ay tiniruan ng Dakilang Diyos. Ang kanyang mga talumpati, pananalita, mga sulat at ang pag-intindi niya sa Banal na Koran ay patotoo sa katotohan na talagang tinuruan siya ng Dakilang Diyos. Ito ay napakalaking palatandaan ng katotohanan ng propesiyang ito. Si Hazrat Musleh Maw’ood (ra) ay nagbigay ng una niyang talumpati sa madla sa kapanahunan ni Masihul Maw’ood (as) sa Jalsa Salana (taonang pagtitipon ng komunidad) sa taong 1906, na nagtamo ng ganap na pagpuri at pagtanggap. Ang pag-unlad ng kanyang espiritwal ay naging malawak, at ang sunod niyang talumpati sa Jalsa Salana ay naganap pagkaraan ang Masihul Maw’ood (as) ay sumakabilang buhay na at nakitaan ito ng puno ng kaalaman sa pananampalataya at kainaman sa pananalita. May mga iskolar na di-Ahmadi ang pumupuri sa kanyang malawak na kaalaman at malalim na pag-unawa.


Tungkol naman sa pamantayan ng kanyang pagdarasal kahit na siya ay bata pa, ang isa sa kanyang mga guro mula sa pagkabata, na si Hazrat Mufti Muhammad Sadiq Sahib (ra) ay nagpahayag: “ Naalala ko noong nagka-edad na si Mian Mahmud ng 10 taong gulang, ay nakita ko siyang nakatayong nagdarasal sa loob ng Masjid Aqsa kasama ang Masihul Maw’ood (as), at nang siya tumirapa ay napaluha siya ng labis. Mula sa pagkabata ay nagkaroon na siya ng namumukod tanging relasyon sa Dakilang Diyos at sa Kanyang mga Propeta.”


Isa pang insidente na naglalarawan sa taimtimang lagay ng kanyag pagdarasal at kagawiang manatili ng matagal sa pagpapatirapa. Si Sheik Ghulam Ahmad Sahib ay nakagawian din niyang alalahanin: “nang akoy handa na upang magpalipas mag-isa ng buong gabi sa loob ng Moske, ay may nakita akong isang tao na abalang-abala sa kayupapa, at umiiyak na may pagdadalamhati hanggang sa ako ay di na makakapokus sa aking pagdarasal. Ang pagdarasal ng taong yon ay may mabisang epekto para sa akin hanggang sa ako ay nagsimulang manalangin, “O aking Panginoon, kung anuman ang hinihingi Sayo ng taong ito ay ipagkaloob Nyo na sa kanya.” Ako ay tumayo ng matagal at maghihintay sa taong ito na aangat mula sa kanyang pangangayupapa upang makita kung sino siya hanggang sa ako ay pagod na sa kakatayo. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon bago pa ako dumating, at nang i-angat na niya ang kanyang ulo, doon ko nakita na siya ay si Mian Mahmood Ahmad Sahib. Binati ko siya ng Salam, kinamayan ko siya at tinanong ko siya, “Mian, anu-ano ba ang pinagdarasal mo ngayon sa Dakilang Diyos?” at siya ay sumagot, “ang hiningi ko lamang sa Dakilang Diyos ay dapat Niyang buhayin ang Islam sa harap ng aking mga mata.” Pagkatapos niyang sabihin ito, ay muli siyang pumasok sa loob.


Sa ganoong murang edad, ang pagkakaroon niya ng pagnanais na makita ang tagumpay ng Islam ay talagang nagkaroon ng bunga, sapagkat ipinagkaloob ng Dakilang Diyos sa kanya ang belo ng Khilafat sa kanyang murang edad. Binanggit ni Hazrat Sahibzada Mirza Mahmood Ahmad Sahib ang kanyang panalangin sa “Tasheezul Azhaan” nailathala noong 1909. Ito ang pananalita ng kanyang panalangin: “O aking Panginoon! Dahil sa kasabikan ng aking damdamin ay babagsak ako sa Inyong pintuan at ako ay mananalangin Sayo ng buong puso, namamalimos na dinggin ang aking panalangin. Kung ang tawag nila sa kanilang mga sarili ay mga Ahmadis, paano nila mapepeke ang kanilang ugnayan sa akin hanggang sa ang kanilang puso at kalooban ay maging dalisay?.. Dahil dito O aking Panginoon! Pakilusin Mo ang Inyong mga katangian ng Rahmaniyyat (Maawain) at Raheemiyyat (Mapagmahal) at linisin Mo sila. Itanim sa kanilang isipan ang damdamin at diwa ng mga kasamahan ng Banal na Propeta (sa) upang sila ay maging sabik sa paglilingkod sa Islam, at ang kanilang mga salita at kilos ay maging mahinhin at dalisay... O aking Panginoon! Iligtas Mo aking mga tao mula sa lahat ng uri ng pagsubok at lumbay, iligtas Mo sila sa lahat ng uri ng kapahamakan na maaaring mangyari sa kanila, at bigyan Mo ng katiyakan na may mga magagaling at marangal na tao ang ipapanganak mula sa kanila. Sila nawa ay maging mga taong Inyong magustuhan at sila nawa ay maging komunidad na Inyong napili para sa Inyo. Sila nawa ay maliligtas mula sa impluwensiya ni Satanas at nawa ay patuloy ang mga anghel pumanaog sa kanila. Pagpalain Mo ang komunidad na ito sa kanilang pagsisikap sa mundo at sa kanilang pananampalataya. Ameen”


Tulad ng nasabi ko, ang panalanging ito ay nangyari noong 1909, Nang nag-umpisa na ang Khilafat. Sa panahong yon ay 20 taong gulang lamang siya, subalit ay may pagkasabik na siyang manilbihan sa Islam at sa kanyang mga pamumunuan. Nawa ay ambonan siya ng walang katapusang awa ng Dakilang Diyos, na siyang ginugol niya ang kanyang araw at gabi sa pagpapalaganap ng relihiyon ng Banal na Propeta (sa) at misyon ng kanyang masigasig na deboto – ang Masihul Maw’ood (as) – pagkaraan nasakatuparan niya ang kanyang sinumpaan, ay habambuhay na siyang bumalik sa kanyang Panginoon. Nawa ay bigyan tayo ng Dakilang Diyos ng kakayanan para intindihin at sambitin itong taos-pusong panalangin ni Hazrat Musleh Maw’ood (ra), at sana ay matupad natin ang mga karapatan na dapat gawin bilang Ahmadi. Nawa ay bigyan tayo ng Dakilang Diyos ng kakayanan para maisagawa natin yon. Ameen....

Translated into Filipino by Maria Nida G. Dizon

0 views

 

Makipag-ugnayan

 

The Ahmadiyya Muslim Association Inc.

14 Pilar Banzon St. BF Homes Paranaque City, Metro Manila

Telephone: +63 (02) 842 2728

email:

ahmadiyya.ph@gmail.com

 

Zamboanga City Office:

Peace Compound, Pitogo, Sinunuc, Zamboanga City 7000

Telephone: +63 (62) 983 1294

email: ahmadiyyazamboangacity@gmail.com

  • Facebook Social Icon
  • Twitter
  • YouTube

Copyright © 2020 AMA Inc, Philippines