Ang Mga Taong Mahuhusay [Amir bin Fuhairah (ra) atbp]

Ika-18 ng Enero, 2019





Pagkatapos basahin ang Tashahhud, Ta’awwuz at ang Surah Al-Fatihah, sabi ni Hazrat Khalifatul Masih V (aba):


Sa araw na ito ay aking ikukwento sa inyo ang tungkol sa buhay ni Hazrat Amir Bin Fuhairah (ra). Siya ay kilala sa tawag na Abu Amir na mula sa tribo ng Azad. Dati siyang Aprikanong alipin ni Tufail Bin Abdullah Bin Sakhbarah, na kinakapatid na lalake ni Hazrat Aisha (ra) sa iisang ina na iba-iba ang kanilang ama. Isa si Abu Amir sa mga unang tumanggap ng Islam. Tinanggap na niya ang Islam bago pa ang Banal na Propeta (sa) ay pumaroon sa Darul Arqam. Maraming pahirap ang kanyang natanggap sa kamay ng mga kaaway pagkatapos niyang tinanggap ang Islam. Sa huli ay binili siya ni Hazrat Abu Bakr (ra) at pinalaya. Naka-ugalian niyang alagaan ang mga kambing ni Hazrat Abu Bakr (ra) nung panahong lumipat sila patungong Madina. Noong nagtago sa bundok ng Thaur ang Banal na Propeta (sa) at si Hazrat Abu Bakr (ra) sa panahon ng kanilang paglipat patungong Madina, ay kanyang pinapastolan ng buong araw ang mga kambing at dadalhin niya kay Hazrat Abu Bakr na malapit sa bundok ng Thaur, upang sarilinan nilang pagatasin ang mga kambing. At pagkatapos ay binubura ni Amir Bin Fuhairah (ra) ang lahat ng mga bakas ng kanilang yapak upang hindi sila masundan. Noong lumabas na mula sa kweba ng Bundok Thaur ang Banal na Propeta (sa) at si Hazrat Abu Bakr (ra) at tutuloy patungong Madina, ay sinamahan din sila ni Amir Bin Fuhairah (ra) sa kamelyo. Sa oras na yon, ang isang mushrik mula sa tribo ng Banu Adi ang siyang nagturo ng daan sa kanila.


Pagkalipas ng Hijrah, ay tinatag ng Banal na Propeta (sa) ang kapatiran sa pagitan ni Amir Bin Fuhairah (ra) at Harith Bin Aus Bin Mu’az. Si Amir Bin Fuhairah (ra) lumahok sa Digmaang Badar at Uhud. At siya ay namartir sa edad na 40 sa pangyayaring Biir-Ma’unah.


Naikwento ni Hazrat Ayesha (ra) na isang araw ay nasa bahay siya kasama si Hazrat Abu Bakar Siddiq (ra), nang dumating ang Banal na Propeta (sa) sa bahay sa di karaniwang oras, ay may ipinaliwanag siya kay Abu Bakar na may natanggap siyang rebelasyon na nag-uutos sa paglipat mula sa Makkah. At dito ay nagsalita si Abu Bakar (ra): ‘O Banal na Propeta ng Allah! Kung maaari ay isama mo na ako. Nawa ay ang aking mga magulang ay maging alay alang-alang sayo.’ Dahil dito ay nagsabi ang Banal na Propeta (sa), ‘dapat talagang kitang makasama.’ Ang Banal na Propeta (sa) ay tinanggap niya ang alok ni Hazrat Abu Bakar (ra) na kunin ang kanyang isang kamelyo na may kabayaran ayon sa presyo nito.


Sinabi rin ni Hazrat Ayesha (ra): ‘Kaya, kami ay nagmadaling humanda at binalot ang kanilang mga kagamitan. Naghanda din kami ng ilang mga panustos para sa kanila at inimpake sa lalagyan yari sa balat ng hayop. Ang anak ni Hazrat Abu Bakar (ra) na si Hazrat Asma’, ay pinutol niya ang kanyang sintas at tinali nito ang lalagyan. At dahil dito ay nakilala siya sa tawag na Zatun-Nitaq (ang babaeng may sinturon). Kasunod nito ay dumating ang Banal na Propeta (sa) at si Hazrat Abu Bakar sa yungib ng bundok ng Thaur at nanatili sila doon ng tatlong gabi. Si Hazrat Abdullah Bin Abi Bakar ay pumupunta din doon at magpapalipas ng gabi doon kasama sila.’ At babalik siya sa Makkah bago magbukang liwayway, upang maisip ng iba na siya ay nasa Makkah buong magdamag. Sa araw naman ay ginugol niya ang kanyang oras sa Makkah upang pag-aralan ang kanilang mga plano at balak tungkol sa Banal na Propeta (sa). Ang Banal na Propeta (sa) at si Hazrat Abu Bakar ay naghanap ng taong mababayaran na bihasa sa paglalakbay mula sa tribong Banu Deel, upang maituro sa kanila ang daan. Ang Banal na Propeta (sa) at si Hazrat Abu Bakar (ra) ay nagtiwala sa taong ito kahit na siya ay hindi mananalig at napalaki ng mga Quraish. Gayon pa man, ang Banal na Propeta (sa) ay nagtiwala sa kanya, ibinigay niya ang kanyang mga kamelyo sa kanya para sa paglalakbay at hinawakan niya ang pangakong ito mula sa kanya na makakarating siya sa yungib ng Thaur ng madaling araw pagkaraan ng tatlong araw. ‘sinamahan sila ni Amir Bin Fuhairah at ang tagahatid. Lahat silang tatlo ay dinala ng tagahatid sa daan na malapit sa baybaying dagat.’ Ito ay salaysay mula sa Sahih Bukhari.


Si Suraqa Bin Malik Bin Josham ay nagsabi: “Ang mga mensahero ng mga Quraish ay dumating sa amin, na nagsimulang nag-ayos na mamimigay ng pabuya sa simuman ang makakapaslang o makahuhuli sa Banal na Propeta (sa) o kaya’y kay Abu Bakar. Si Suraqa Bin Malik ay nakakatanggap ng ilang mga kaalaman tungkol sa kinaroroonan ng Banal na Propeta (sa), sabi niya: lantaran kong binale-wala ang posibilidad na ito sapagkat gusto ko makuha ang lahat ng mga pabuya para lamang sa akin. Maya-maya ay kinuha ko ang aking kabayo at kumaskas ako patungo sa nasabing kinaroroonan. At patuloy akong kumaskas, biglang sumumpong ang kabayo at ako ay nahulog mula dito. Tumayo ako, at ibinaba ko ang aking kamay sa aking talanga, kumuha ako ng palaso at magpalagay ng pangitain. Akoy nakatanggap ng pangitain na hindi ko ninanais. (ang pangitain ay hindi pumapabor sa akin at nangangahulugan na hindi ko sila mabibihag).”


At sinabi pa niya: “sumakay uli ako sa aking kabayo at nilabanan ang pangitain at pilit gumawa ng paraan upang mahuli at paslangin ang Banal na Propeta (sa) sa pamamagitan ng pasulong sa pangangabayo. Nakarating ako ng malapitan na dinig ko pa ang Banal na Propeta (sa) na nagbabasa ng Banal na Koran. Ang Banal na Propeta (sa) ay hindi man lamang nagmamasid sa paligid, subalit si Hazrat Abu Bakar patuloy ang kanyang pagmamasid sa paligid. At natumba uli ang aking kabayo sa malambot na buhangin at akoy bumaba upang magpalagay ng isa pang pangitain sa aking mga palaso. At nakatanggap uli ako ng pangitain na nagpahiwatig na walang pagtatagumpay. Sa oras na yon ay tinawag ko sila na kayo ay ligtas. Sumigaw ako at sinabi ko sa Banal na Propeta (sa) na kayo ay ligtas ngayon. Dahil dito ay huminto sila” sabi pa ni Suraqa: “sa kasusubok na matagpuan ko sila ay nakita ko ang mga hadlang at sagabal ang haharap sa akin at ang damdamin na lumilitaw sa aking puso ay tunay na ang Banal na Propeta (sa) ang siyang magtatagumpay. Ang sabi ko sa Banal na Propeta (sa) na: ang iyong bayan ay nag-aalok ng pabuya para sayo na hulihinka, at inabisuhan ko siya ng lahat ng bagay na pinagtangkaang gawin para sa kanya.” Samakatwid, ipinaalam niya sa Banal na Propeta ang lahat ng mga detalye ng masasamang intensyon ng mga kaaway. At sinabi pa niya: “ipinamigay ko na sa kanila ang aking mga panustos at sabi ko dahil kayo ay naghahanda para sa paglalakbay, eto ang mga pagkain para sa inyong paglalakbay. Gayon pa man ay hindi yon tinanggap ng Banal na Propeta (sa) sa pagsasabing hindi nila yon hinihingi ni hindi din siya naghingi ng anumang bagay maliban sa kanyang kahilingan ito: “Huwag mong sabihin kahit kanino man ang aming paglalakbay” nangangahulugan na huwag mong sabihin kahit kanino ang ruta ng dinadaanan namin. Dito sinabi ni Suraqa: “Hiniling ko sa Banal na Propeta (sa) na magsulat ng ilang bagay para sa akin na magsisilbing kasunduan upang mamuhay sa katahimikan. Ang Banal na Propeta (sa) ay nagsabi kay Amir Bin Fuhairah (ra) (na dating alipin mula Ethiopia na naging malaya ngayon, na kasama na din niya ang Banal na Propeta sa paglalakbay (sa)). Inutusan siya ng Banal na Propeta (sa) na balangkasin ang dokumento. At sinulat niya yon sa kapirasong balat na yari sa hayop pagkatapos nun ay tinupad ng Banal na Propeta (sa).”


Pagkatapos ay isinalaysay ni Huzoor ang emigrasyon mula sa yungib ng Thaur patungong Madina at ang pagtatayo ng Moske ng Banal na Propeta.


Ipinaliwanag ni Hazrat Musleh Mau’ud (ra) ang tungkol sa paglipat ng Banal na Propeta (sa). Naisulat niya ang kasaysayan ayon sa kanyang pamamaraan, kaya babasahin ko ilan sa mga detalye. Sinulat niya: “Nang napag-alaman ng mga taong Makkah ang tungkol sa pag-alis ng Banal na Propeta, ay nag-ipon agad sila pwersa at ipapadala upang magtugis. Ang pagtugis ay papangunahan ng mangangaso, at narating nila ang Thaur. Sila ay nakatayo sa bukana ng yungib kung saan ang Banal na Propeta (sa) at si Abu Bakar (ra) ay nakaupo sa loob, Ang sabi ng mangangaso na si Muhammad (sa) ay maaaring nasa kweba o dili kaya ay pumaitas sa langit. Narinig ito ni Abu Bakar (ra) at ang kanyang puso ay nabuwal. At siya ay bumulong “malapit na tayong nahuli ng mga kaaway.” Pinagkukutya ng mga kaaway ang hatol ng mangangaso. Napabukadkad ang kweba, ang sabi nila, sinuman ang sumilong sa loob ay hindi maliligtas dahil sa mga makakamandag na ahas. Kung sinubukan lamang nila tignan ang loob ng kweba ay maaaring tanaw nila ang dalawa. Subalit hindi nila nagawa yon, at dinespatsa nila ang mangangaso, at silay nagsibalikan sa Makkah. Sa loob ng 2 araw ang Banal na Propeta (sa) at si Abu Bakar (ra) ay naghihintay sa kweba. Sa ika-3 ng gabi ayon sa plano, dalawang plota ng kamelyo ang dinala sa lugar sa may kweba, ang isa para sa Banal na Propeta (sa) at ang gabay, ang isa naman ay para kay Abu Bakar (ra) at ng kanyng tauhan, na si Amir Bin Fuhairah (ra).


Naisulat ni Hazrat Musleh Mau’ud (ra) ang buong pangyayari na nabanggit na dati, tulad ng pagsasalaysay ni Suraqa (ra). Sinulat din ni Hazrat Musleh Mau’ud (ra): ‘nautusan ng Banal na Propeta si Amir Bin Fuhairah (ra) sumulat ng garantiya, at nagawa niya yon. Nang handa na si Suraqa babalik na may dalang garantiya, ang Banal na Propeta (sa) ay nakatanggap ng rebelasyon tungkol sa hinaharap na pangyayari kay Suraqa at sinabi niya sa kanya, “Suraqa. Ano kaya ang mararamdaman mo pagnakasuot ka ng gintong pulseras ni Chosroes sa sariling mong pulso?” Nagtaka ng labis si Suraqa sa propesiyang ito: “sinong Chosroes? Chosroes Bin Hormizd, ang Emperador ng Iran?” Sagot ng Banal na Propeta (sa), Oo! Pagkaraan ng 16 o 17 taon ang propesiya ay literal na naganap. Tinanggap ni Suraqa (ra) ang Islam at dumating siya sa Madina. Nang sumakabilang buhay ang Banal na Propeta (sa), ang unang naging Khalifa niya ay si Abu Bakar (ra) at sumunod si Umar (ra) ang naging Khalifa ng Islam. Ang pagsibol ng impluwensya ng Islam ay nagawang seloso ang mga taga-Iran at naging sanhi ito ng pag-atake nila sa mga Muslim, subalit sa halip na masupil ang mga Muslim, sila pa ang natalo ng mga Muslim. Ang kabisera ng Iran ay nahulog sa kamay ng mga Muslim na silang bumihag sa mga ari-arian kabilang na ang mga gintong pulseras na suot-suot ni Chosroes sa tuwing may pagdiriwang sa mga pamamahala. Nang ilagay ang mga sira-sirang bagay ng digmaan sa harap ni Umar (ra), ay nakita niya ang mga gintong pulseras, dito naalala niya ang sinabi ng Banal na Propeta (sa) kay Suraqa (ra). Nakita lahat ang mga iyon ng sariling mga mata ni Umar (ra). Dahil dito ay inutusan niya si Suraqa (ra) na isuot ang mga gintong pulseras. Tumanggi si Suraqa, aniya ang pagsusuot ng ginto ng mga kalalakihan ay ipinagbabawal sa Islam. Ang sagot ni Umar (ra) ito ay totoo na ipinagbabawal sa mga lalake ang magsuot ng ginto, subalit ang okasyong iyon ay bukod-tangi. Ang Banal na Propeta (sa) ay nakita niya sa propesiya na ang gintong pulseras ni Chosroes ay nasa pulso ni Suraqa (ra), dahil dito ay sinuot niya ang mga pulseras at napanood ng mga Muslim ang dakilang propesiya ay nangyari sa harap mismo ng kanilang mga mata.”

Si Amir Bin Fuhairah (ra) ay martir sa kaganapan ng Biir Ma’unah, Nung nalinlang sa panawagan ang grupo ng 70 Muslim na wala ni isang sandata sa Biir Ma’unah na ang layunin ay upang sila ay salakayin ng mga armadong pwersa ng Quraish, ilan sa kanila ay nagsipag-akyatan sa burol ang iba ay nagsipagtayo handang lumaban. Dahil labis na nahigitan ng mga kaaway ang mga Muslim, at walang sandata at walang kalaban-laban, nalupig nila ang mga Muslim, pinagpapaslang sila isa-isa. Sa huli ay isa na lang ang natirang kasamahan ng Banal na Propeta (sa) ang siyang nakasama sa paglalakbay ng Banal na Propeta (sa) at naging malaya mula sa pagka-alipin dahil sa pagtubos ni Abu Bakara (ra), na ang pangalan ay si Amir Bin Fuhairah (ra). Maraming mga kaaway ang nagpatumba sa kanya at isa sa kanila nagpakawala ng sibat sa kanyang dibdib. At nang tumagos ang sibat ay kusang-loob niyang binigkas ang salitang “Ipinangako ko sa Panginoon ng Ka’bah, na ako ay nagtagumpay.” Itong pagpapahayag ng tagumpay sa oras ng kaawa-awa at mapusok na pagkamatay sa kamay ng mga kaaway ay kataka-taka para kay Amir Bin Tufail, isa sa mga sumalakay. Si Amir Bin Tufail ay nagtanong-tanong sa iba kung bakit niya naisip na ito ay isang tagumpay? Sinagot siya, kakaunti lang ang nalalaman mo na itong mga Muslim ay talagang baliw. Kung sila ay namatay sa landas ng Dakilang Allah, ang paniniwala nila na sila ay kaluluguran ng Diyos at nakamtan na nila ang kanilang patutunguhan. Dito ay nagkaroon ng sigla si Amir Bin Tufail na malaman ang tungkol sa dakilang relihiyon na ito at sa huli ay tinanggap niya ang Islam. Binanggit din ni Hazrat Musleh Mau’ud (ra) ang pagpapahayag ng tagumpay na yon ay nasabi din ng karamihan ng kasamahan ng Banal na Propeta (sa). Habang binanggit ito, sinabi rin ni Hazrat Musleh Mau’ud (ra): “sa pagbabasa ng kasaysayan, matatagpuan natin na ang mga kasamahan ng Banal na Propeta (sa) nagsitungo sila sa digmaan na may paniniwalang makamtan ang pagkamartir ay siyang tunay na pinagmulan ng kaginhawahan at kaligayahan para sa kanila. Kung sila ay nakaranas ng ibat ibang uri ng kalungkutan sa oras ng digmaan, ay tinuring nila yon bilang pinagmulan ng kanilang kasiyahan. Sa gayon, ay maraming mga pangyayari ang matatagpuan natin sa kasaysayan kung saan ay itinuring nila na ang mamatay sa landas ng Dakilang Diyos ay daluyan ng kaligayahan. Tulad ni Hazrat Haram Bin Milhan (ra), sinalakay siya sa oras ng pagpupulong, kung saan ang kaaway ay nanawagan na para baga gusto nilang matuto tungkol sa Islam, nang siya ay natumba pagkatapos ng pananalakay, kusang-loob siyang nakapagsalilta ng: Allahu Akbar Fuztu wa Rabbil Ka’bah na ang ibig sabihin ay , si Allah ay Dakila,, aking saksi ang Panginoon ng Ka’bah, nakamtan kona antg aking patutunguhan.’


Samakatwid ang mga pangyayaring ito naglalarawan sa katotohanan na ang kamatayan ay siyang daluyan ng kaligayahan ng mga kasamahan ng Banal na Propeta kaysa ibat ibang uri ng kapighatian. Sa katunayan, itong mga kasamahan ng Banal na Propeta (sa) ay mapalad, lalong lalo na si Amir Bin Fuhairah (ra) na siyang nagkaroon din ng pagkakataon maglingkod kay Abu Bakar (ra). Nagkaroon din siya ng oportunidad na paglingkuran ang |Banal na Propeta (sa) at sumama sa kanya sa panahong ng kanyang migrasyon. Napaghandaan din niya ng pagkain ang Banal na Propeta (sa) noong siya ay na sa kweba ng Thaur. Sa mga araw na yon, ang pagkain ay ang gatas mula sa kambing, at si Amir bin Fuhairah (ra) ang na-italagang gawin ang gawaing ito. Hindi siya nabigo sa loob ng 3 araw, dadalhin niya ang mga kambing papunta doon at paghandaan sila ng gatas. Nagkaroon din siya ng karangalang magbalaangkas ng sulat pangkasunduan para sa katahimikan kay Suraqa( ra) sa utos ng Banal na Propeta (sa). At bilang resulta ng nagawa niyang panalangin, ang Banal na Propeta (sa) ay nakatanggap din ng balita ng kanyang pagkamartir kahit na siya ay malayo. Siya ay naging diwa ng katapatan, nailarawan niya ang kanyang katapatan sa bawat okasyon, nawa ay ipagpatuloy ng Dakilang Diyos ang pag-angat sa kanyang katayuan. Ameen.

0 views

 

Makipag-ugnayan

 

The Ahmadiyya Muslim Association Inc.

14 Pilar Banzon St. BF Homes Paranaque City, Metro Manila

Telephone: +63 (02) 842 2728

email:

ahmadiyya.ph@gmail.com

 

Zamboanga City Office:

Peace Compound, Pitogo, Sinunuc, Zamboanga City 7000

Telephone: +63 (62) 983 1294

email: ahmadiyyazamboangacity@gmail.com

  • Facebook Social Icon
  • Twitter
  • YouTube

Copyright © 2020 AMA Inc, Philippines